Monday, February 11, 2008

KC Concepcion cries on presscon


HINDI napigilan ni KC Concepcion ang mapaiyak sa presscon kahapon na ipinatawag ng ABS-CBN para sa unang attempt niya na magdrama sa Maalaala Mo Kaya.

Para kay KC, dream come true na finally, makapag-guest siya sa MMK at mailabas ang kanyang galing sa pag-arte.

“It means so much for me. Hindi ko ito na-realize until nagawa na namin yung taping. This is 22 years in the making,” wika pa ni KC.

Kabado si KC sa una niyang pagsubok sa pag-arte. Iba raw kasi ang theater acting at musical sa pag-arte sa telebisyon and until now, may trauma pa siya sa ilang eksenang ginawa niya sa MMK dahil sa pressure.

Pero base sa nakita naming trailer, mahusay si KC. Magaling siyang umiyak at halatang may depth ang kanyang acting. Nagmana nga siya sa parents niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Mapapanood na ang acting debut ni KC sa MMK sa Biyernes sa Primetime Bida ng ABS-CBN. [source of news]

Labels:

No comments: