Monday, February 11, 2008

KC Concepcion sa Maalaala Mo Kaya this Friday


Mapapanood ang unang pag-arte ni KC Concepcion sa telebisyon sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya sa Biyernes nang gabi sa ABS-CBN.

Sa walong story concept na iprinisinta sa kanya, napili ni KC ang kuwento ng mayamang da­laga na si Darlene.

Aniya, “I could relate to it. Lumaki si Darlene na nag-aayos ang lahat ng nakapaligid para sa kanya – ang daddy niya, ang mommy niya, ang kanyang yaya, pati driver.

“Ipinakita niya na kaya niya kahit ano ang mangyari sa family niya. Mahal niya ang family niya.

“Ang tingin sa akin ng tao, ganu’n, untouchable. Gusto kong ma-realize ng mga tao na ‘yung nangyari kay Darlene, pwedeng mangyari sa akin.

“Pwedeng mawala ang lahat.
“I wanted to take on the role to make people realize na tao rin ako.
“Family-based ‘yung kuwento. Si Darlene, na­ging ate siya ng mga ka­patid niya. Na-appreciate niya kung ano me­ron siya, at kung ano ang wala siya.”
Sari-saring emosyon ang ipinamalas ni KC sa episode na ito. Ang motibasyon niya?

“Secret,” napangiting sambit ng dalaga. “And music. Ipinaririnig sa akin ni Direk (Jerry Sineneng) ang iPod niya.”

Ang mga musikang ipinarinig ni Direk Sineneng kay KC ay Sa Ugoy ng Duyan at Ikaw Lang ang Mamahalin.

Kasama ni KC sa epi­sode na ito sina Derek Ramsay, Agot Isidro at Ricky Davao.
Ano ang plano niya sa Valentine’s Day?

“Wala naman po akong specific na plano. Busy po kasi ako sa ta­ping. Pero tingnan po natin. Depende kung may mangyari,” sambit pa ni KC. [source of news]

Labels:

No comments: