Made na si Toni Gonzaga as a concert artist! Napuno niya ang Aliw Theater sa concert niya last Sat. 9 p.m. na nag-start ang show kasi ang haba ng pila sa labas at ang dami pang scalpers na bumnili ng extra tickets.
Opening act niya ang PDA scholars na sina Chad Peralta at RJ Jimenez. Tapos sinimulan na ni Toni ang show niya sa pagbulaga sa isang skimpy two-piece gold outfit na parang panty at bra lang na kina-shock ng lahat!
Kayang-kaya ni Toni na dalhin ang show niya dahil bukod sa napakagaling niyang kumanta at sumayaw ay natural na host siya kaya naman kuwelang-kuwela ang mga spiels niya sa audience.
Napatunayan ni Sam Milby na napakalakas pa rin niya sa tao dahil super ang tilian nang lumabas na siya ng stage.
Kinanta niya ang revival ng Can’t Help Falling In Love na kasama sa kanyang second album. Tapos kinanta na nila ni Toni ang theme song ng movie nilang My Big Love sabay palabas ng trailer sa big screen sa stage.
Kuwela rin ang pasok ng isa pang leading man ni Toni na si Vhong Navarro. Kinanta ni Toni ang novelty hits ni Vhong habang kontodo sayaw si Vhong sa tabi niya. Aba, may upcoming movie rin si Vhong sa Star Cinema na si Toni rin ang leading lady.
Surprise guests naman sina Erik Santos at Allan K kasi hindi sila na-mention sa lahat ng publicities ng show. Nagulat ang lahat ng biglang umakyat ng stage si Allan K kasi isa itong Kapuso.
Pero pinaalala ni Toni na galing siya sa Eat Bulaga noon kung saan kasama niya si Allan K. As usual nagnakaw na naman ng eksena si Allan K lalo pa’t sinabi niya na ie-edit out naman daw siya sa TV coverage ng show ni Toni sa Dos na ikinatawa nang husto ng manonood.
Wednesday, February 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



No comments:
Post a Comment