We learned na bago pa man umuwi si Gabby sa ’Pinas, nakapirma na si Mommy Rose ng two-year exclusive contract for her talent sa ABS-CBN at Star Cinema.
Nang dumating si Gabby last Sunday, nakipag-meeting siya agad sa mga executive ng network with Mommy Rose at inilatag sa kanya ang kontratang pinirmahan ng manager. Okay naman daw lahat sa aktor.
But to make it more formal, si Gabby naman ang nakatakdang pumirma today. Kung saan, hindi na idinetalye pa ng aming source, but we guess, sa ABS-CBN din ito gaganapin.
It’s a multi-project contract, we learned. Lahat ng gagawin ni Gabby na proyekto sa TV at pelikula ay under ABS-CBN and Star Cinema lang.
Hindi pa kumpirmado kung ano ang mauuna niyang gawin dahil kasalukuyan pang inaayos, pero malamang na mauuna muna ang Maalaala Mo Kaya stint.
Tungkol sa kontrata niya sa GMA Films, wala naman daw magiging problema dahil non-exclusive ito at naka-stipulate pa na ang shooting ay outside the country.
Nagpahayag din si Gabby that he’s honoring the GMA Films contract, kaya wala naman daw sigurong magiging problema.
Later this week, malalaman na rin natin ang iba pang detalye, dahil nakatakdang magpatawag ng grand presscon ang ABS-CBN for Gabby. [source of news]
Labels: Philippine Actor



No comments:
Post a Comment