Friday, April 4, 2008

Jon Avila bagong super hero

Kasinlakas ng pangalan niya, gugulatin ta-yo ng nakaya-yanig niyang pagdating ngayong Abril.

Isang superhero na walang katulad, maaliw tayo sa astig ngu-nit makulit at minsan sablay na siKapitan Boom.

Nilikha ng ama ng Pinoy superheroes na si Mars Ravelo, ipi-nakikilala ng Komiks ng ABS-CBN ang bagong kagigiliwan ng bagong heneras-yon na ‘di man perpekto, busi-lak naman ang kanyang damda-min.

Siguradong papapasukin ng bawat pamilyang Pilipino sa kanilang tahanan si Kapitan Boom sa kanyang exciting mis-adventures.

At sino pa nga ba ang sakto sa role ng superhero na ito kun-di ang guwapo at hunk na hunk na print and ramp model at ak-tor na si Jon Avila.

Ang kanyang kontrobersyal at nakakikilig na relasyon sa host na si Mariel Rodriguez ang sinubaybayan ng viewers sa loob ng Bahay ni Kuya.

Matapos makalabas sa bahay, maraming TV offers ang bumuhos sa kanya na nagbu-nga ng iba’t ibang TV guestings at product endorsements.

Siya rin ang isa sa mga bu-mubuo sa grupo ng crush ng ba-yan na ASAP Cover Boys Plus na sinisigawan at tinitilian ng karamihan.

At isa rin si Jon sa endor-sers ng Active White Plus na ang mga produkto ay L-Glutathione Capsules, soaps, Gly-cerin soaps, Aromatheraphy at Salt Scrubs at Kojic Acid soaps. Kasama niyang endor-sers ng Active White Plus pro-ducts sina Nadine Samonte, Rachelle Anne Daquis. [source of news]

Labels:

No comments: