Four weeks dito ang actress at sayang, dahil coming soon pa lang ang pelikula niyang Step Up 2 (Streets) na hit sa America.
Noong Monday nagsimula ang shooting ng pelikula sa Recto, Manila, at kasama sa cast ang Fil-Am actor na si Dante Basco, na nakasama rin ni Antonio Banderas sa isang dance movie.
Napanood din siya sa The Debut. May cameo role rin si Gary Valenciano as a computer nerd.
Ang Fil-Am director na si Francis dela Torre ang director ng I Love U Virus, na sobrang na-impress kay Jericho pati ang American crew nito at gusto nila itong tulungang magka-career sa Hollywood, pati na si Heart Evangelista, na nakilala nila nang dumalaw sa shooting ng boyfriend, gustong dalhin sa Hollywood.
Hindi pa namin natatanong kung dito kukunan ang buong pelikula, pero mukhang magtatagal ang shooting dito, kaya marami tayong malalamang istorya sa shooting.
Produced ang movie ng Radian Films at in-offer kay Brianna noong hindi pa siya masyadong sikat.
Kung gusto ninyong makita ang hitsura niya, tingnan n’yo na lang ang poster at billboards ng Step Up 2. [source of news]
Labels: Filipino Hunks



No comments:
Post a Comment