Saturday, March 1, 2008

Gaby de la Merced binigyan agad ng solo TV show ng Dos

SI Gaby de la Merced ay isang matalinong dalaga.

Siya ay ‘out-of-the-box’ o tinatawag na ‘di pangkara-niwan. Makabagong Filipina. Sinasabi ang nasa isip. Mahilig sa sports na panlalaki ngunit babaing-babae pa rin. Talagang extraordinary.Si Gaby ang nag-represent sa PBB Celebrity Edi-tion ng bagong Filipina. Ma-kikita sa kanya ang lahat ng ito -- kapangyarihan, katali-nuhan at kagandahan.

Imagine, sa kanyang panlabas na kaanyuan, hindi mo lubos akalain na isa pala siya sa mga nangungunang Filipina sa Asian Formula 3 circuit.Siya lang ang Filipinang nakasama at nakipaglaban sa buong season ng series at ang kanyang galing ay nagresulta ng pagiging 1st Runner-up sa Philippine National Formula championship.

Nang tanungin kung anong pagkakapareho ng kan-yang paboritong sport sa kanyang buhay, excited siyang sumagot ng: “May kakaibang kalayaang nabibigay sa akin ang racing. Parang sayo ang mundo, kaya mo lahat-lahat."Dahil sa kakaibang da-ting ni Gaby, binigyan siya ng ABS-CBN Management at Creative Team ng bagong programa na magpapakita ng mga senaryo mula sa popular na Discovery Channel.Simula March 9 (Linggo), bago mag-ASAP ’08 ang pagdating ng extraordinary show na ito na tinatawag na Gaby’s Xtraordinary Files. Ang 45-minute trivia show na ito ang magdadala ng xtraordinary videos at impormasyon mula sa kilalang Discovery Channel.

Sa pilot episode, dadalhin tayo ni Gaby sa ilang bansa na may kakaiba at ‘di kapani-paniwalang kultura tulad ng Austria, kung saan naliligo ang magsing-irog sa beer, at Bolivia, kung saan nanliligaw ang mga lalaki sa pamama-gitan ng pagtapon ng bato sa mga babae.Sa mga susunod na episodes ng show, handang-handa si Gaby na magdiskubre ng mga kakaibang karanasan tulad ng paghawak ng 7-foot snake habang nagsasalita, pagsakay sa big bike, pagtugtog ng electric guitar ala-rockstar at marami pang iba. [source of news]

No comments: